^

Bansa

Hospital ship ng US bibisita sa Phl

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nakatakdang bumisita sa bansa ang United States Navy’s premier hospital ship na USNS Mercy upang lumahok sa humanitarian disaster response at civic assistance programs sa ilalim ng Pacific Partnership 2012 (PP12) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., dadaong ang USNS Mercy sa pier ng Calbayog City, Samar sa Hunyo 17 ng gabi.Isa ang Samar sa probinsiyang kabilang sa disaster prone area.

Ang USNS Mercy ay may kapabilidad na magsagawa ng mobile acute medical at mag-opera ng may 1,000 kama na maaring maka-accommodate ng may 200 pasyente kada araw.

Bukod sa USNS Mercy ay nakatakda ring dumating ang Japanese ship Oosumi sa Hunyo 18 sa Calbayog City Port upang suportahan ang nasabing misyon ng hospital ship ng US partikular na sa sealift at airlift operations. Ang PP12 ang pinakamalaking joint humanitarian mission sa Pacific at tatagal hanggang Hunyo 30 ng taong ito.

Magugunita na ang nasabing humanitarian mission ay ginamit na rin sa Indonesia noong 2004 matapos itong salantain ng tsunami na kumitil ng buhay ng mahigit sa 200,000 katao.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

AYON

CALBAYOG CITY

CALBAYOG CITY PORT

HUNYO

PACIFIC PARTNERSHIP

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL

SAMAR

UNITED STATES NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with