^

Bansa

Estudyante pinaiiwas sa street foods

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pinag-iingat ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang lahat ng estudiyante na iwasang bumili ng street foods sa labas ng kanilang pinapasukang paaralan upang makaiwas ang mga ito sa posibleng pananakit ng tiyan o food poisoning.

Ang hakbang na ito ni Echiverri ay base na rin sa mga natatanggap na reklamo ng kanyang tanggapan mula sa mga magulang ng mga estudiyante na may mga batang sumasakit ang tiyan sa pagkain ng mga nabibiling street foods sa labas ng kanilang pinapasukang paaralan.

Kasabay nito, nagbigay na rin ng babala ang Caloocan City Division Office sa mga estudiyante nang sa gayon ay maiwasan na magkaroon ng food poisoning sa mga ito dahil lamang sa pagkain ng nabibiling tinda sa labas ng paaralan.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga magulang ng mga estudiyante na pagbaunin na lamang ng pagkain ang kanilang mga anak sa pagpasok sa paaralan nang sa gayon ay matiyak na hindi na bibili ang mga ito ng street foods.

Pinasusuri na rin ni Echiverri ang mga itinitinda sa mga kantina ng bawat paaralan upang matiyak na malinis at ligtas kainin ang mga nabibili ng mga estudiyante upang mailayo ang mga ito sa anumang sakit na makukuha sa maruming pagkain.

vuukle comment

CALOOCAN CITY DIVISION OFFICE

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

ESTUDIYANTE

KASABAY

PINAG

PINASUSURI

PINAYUHAN

RECOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with