^

Bansa

May kapansanan aayudahang magkatrabaho

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Inihain kahapon ni Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Arroyo ang isang panukalang-batas na magtatatag ng isang opisinang tutulong sa mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) na makahanap ng trabaho.

Sinabi ni Arroyo na pa­ngunahing awtor ng House Bill 6223, panahon nang magkaroon ng isang tinatawag na “Persons with Disability Employment Facilitation Office” (PWDEFO) sa bawat probinsiya, pa­ngunahing lunsod at istratehikong mga lugar sa buong bansa.

Kasama ng mambabatas na umakda sa panukala ang ina niyang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinaliwanag ng ba­tang Arroyo na sa PWDEFO, matutulungan ang taong may kapansanan sa paghahanap ng trabaho, mabibigyan siya ng kaukulang pagsasanay at magsisilbing referral at information center para sa iba’t-ibang serbisyo at programa ng Department of Labor and Employment at ng iba pang mga ahensiya.

Idiniin ng mambabatas na sa ganitong oportunidad, mapapalakas ang kumpiyansa sa sarili ng PWDs at matutulungan silang umasa sa kanilang sarili at maging produktibong miyembro ng pamayanan.

CAMARINES SUR REP

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DIOSDADO

DISABILITY EMPLOYMENT FACILITATION OFFICE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE BILL

IDINIIN

INIHAIN

IPINALIWANAG

KASAMA

PAMPANGA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with