^

Bansa

Magat dam binabantayan

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Binabantayan na ng Hydro-Meteorology Division ng PAGASA ang Magat Dam sa Isabela dahil inaasahang lalo pang tataas ang level ng tubig dito sa mga susunod na oras kapag bumuhos na ang malakas ulan dulot ng bagyong Butchoy.

Sinabi ni Hyrdrologist Roy Badilla base sa pinaka latest monitoring ng naturang tanggapan, nasa 188.51 meters ang water level sa Magat dam at bagama’t halos apat hanggang limang metro pa ang layo nito sa critical level na 193 meters ay malamang na abutin ito kung magkakaroon ng patuloy na pagbuhos ng ulan.

Sinabi naman ni Tony Tenedor ng Flood Forecasting Center ng Magat Dam, wala pa naman silang ginagawang pagpapakawala ng tubig hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, hiniling na rin ng pamunuan ng La Mesa Dam sa pamunuan ng Ipo Dam na bawasan ang parating na tubig sa kanila bilang paghahanda sa posibleng magiging epekto ng bagyo. 

Ayon kay La Mesa Dam Manager Engr. Teddy Angeles, nasa 79.51meters na ang water level sa kanilang dam at kaunti na lamang ang layo sa spilling level na 80.51 meters.

DAM

FLOOD FORECASTING CENTER

HYDRO-METEOROLOGY DIVISION

HYRDROLOGIST ROY BADILLA

IPO DAM

LA MESA DAM

LA MESA DAM MANAGER ENGR

MAGAT DAM

SINABI

TEDDY ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with