Butchoy lumalakas
Manila, Philippines - Lumalakas pa ang bagyong Butchoy habang nasa lalawigan ng Samar.
Sa latest monitoring ng PAGASA, taglay ni Butchoy ang lakas ng hanging 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 140 kilometro bawat oras. Nakataas na ang signal number 1 sa Samar.
Si Butchoy ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Ngayong Sabado, ito ay inaasahang nasa layong 280 kilometro silangan hilagang silangan ng Borongan, Eastern at bukas ay nasa 380 kilometro silangan timog silangan sa Casiguran, Aurora.
Sa Lunes naman si Butchoy ay nasa layong 320 kilometro silangang timog silangan ng Basco, Batanes.
Ang tinatayang rainfall amount ni Butchoy ay mula 15–25 mm kada oras kaya pinapayuhan din ng PAGASA ang mga mangingisda sa Northeastern Mindanao na mag-ingat sa paglalayag dahil sa malalaking alon.
- Latest
- Trending