Nurse, 10 pa nominado sa CJ post
MANILA, Philippines - Isang nurse ang kabilang sa 11 ‘outsiders’ na nominado para sa posisyong punong mahistrado ng Korte Suprema.
Pawang mga ninomina ang 10 habang ang nurse na si Jocelyn Esquivel ay nagsumite ng kanyang aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) noong Hunyo 5.
Samantala, dalawa na ang sumang-ayon sa kanilang nominasyon at ito ay sina Atty. Katrina Legarda na inindorso ni Prof. Myrna Feliciano at former UP College of Law Dean Raul Pangalanan na inindorso ni UP Dean Danilo Concepcion.
Sina BIR Commisioner Kim Henares, Solgen Francis Jardeleza, Justice Sec. Leila de Lima at dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva ay hindi pa tinatanggap ang kanilang mga nominasyon.
Ilan pa sa mga pangalan na nominado sa JBC ay sina Laguna City Prosecutor Marianito Sasondoncillo na inindorso ng kanyang anak na si Mark; Manuel Siayngco, isang retired Judge; Atty. Rafael Morales, isang professor na inindorso ni Florentino Feliciano; Atty. Nepomunceno Aparis, isang abogado at dating city councilor at vice mayor na inindorso ng isang concerned citizen.
Ayon sa source, inaasahang madadagdagan pa ang mano-nominate sa JBC bago matapos ang deadline sa pagsusumite ng nominasyon at aplikasyon sa June 18, 2012.
- Latest
- Trending