Pacman sa rematch babawi!

MANILA, Philippines - Knock out ang aabutin ni American boxer Timothy Ray Bradley Jr. sa inaasahang rematch nila ng pambansang kamao na si Philippine Army reser­vist Lt. Col. Manny “Pacman” Pacquiao matapos ang tinaguriang ‘theft of the century’ sa laban nila kamakalawa sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Army Spokesman Major Harold Cabunoc, dismayado ang buong hukbo ng Philippine Army matapos ang kontrobersyal na pagdedeklarang panalo kay Bradley gayung halos lahat ng round ay nakopo ng kanilang idolong si Pacman.

“Hinihintay ng lahat yung rematch, siya mismo (Manny) ang nag-promise na mas warrior ang kanyang ipakikita so hinihintay ng mga sundalo yun,” ani Cabunoc.

Sinabi ni Cabunoc na ngayon pa lamang ay nakikita nilang matutulog sa una hanggang ikalawang round si Bradley tulad ng British boxer na si Ricky Haton na knockout kay Pacman sa ikalawang round pa lamang ng kanilang laban.

Ang rematch sa pagitan ni Pacman at Bradley ay magaganap sa darating na Nobyembre 10 ng taong ito.  

Show comments