^

Bansa

Biazon mas kailangan sa BOC

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinimok ng ilang negosyante si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon na huwag nang tumakbo bilang senador sa darating na 2013 election dahil mas kailangan ito sa nasabing ahensiya upang labanan at sugpuin ang umano’y smuggling sa bansa.

Nabatid na napabalitang isasama sa line-up si Biazon sa manok ng administrasyon bilang isa sa mga kandidato ng pagka-senador sa darating na halalan.

Ayon kay Consumer Advocate Raul T. Concepcion ng Serving and Protecting the Filipino Consumer ng Government Watch, mas epektibong manatili si Biazon sa BOC dahil mas kailangan aniya ito ng naturang ahensiya para labanan at sugpuin ang sindikato ng smuggling dito.

Pinuri pa ni Concepcion ang ginagawang paglilinis ngayon sa BoC ng batang Biazon upang labanan ang mga sindikato sa loob ng Aduana na siyang isa sa dahilan kung bakit nalulugi ang gobyerno dahil hindi nakakakolekta ng tamang buwis at napupunta sa bulsa ng mga sindikato. 

Inamin naman ni Biazon na may mga nakakalusot pa rin na mga sindikato sa loob ng BOC at aniya hindi naman siya perpekto, ngunit kanyang pipilitin na mawala na ang talamak na smuggling sa bansa na siyang pinaka malaking hamon sa kanyang panunungkulan bilang hepe ng BOC.

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CONCEPCION

CONSUMER ADVOCATE RAUL T

GOVERNMENT WATCH

HINIMOK

INAMIN

NABATID

SERVING AND PROTECTING THE FILIPINO CONSUMER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with