Pacman na-'highway robbery'
MANILA, Philippines - “Lutong makaw” para kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang pagkatalo ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay Timothy Bradley.
“It is the biggest highway robbery not only against Pacquiao but also against the Filipino people. Clearly Manny connected some solid punches against Bradley,” giit ni Evardone.
Inihalintulad naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone kay Jessica Sanchez ang sitwasyon ni Pacman na bagamat talo sa laban ay siya pa rin itinuring na champion ng sambayanang Filipino.
Solons na-shock, naiyak
Napaiyak at na-”shocked” naman ang mga kasamahang kongresista ni Pacquiao dahil sa pagkatalo nito kay Bradley.
Ayon sa kababata ni Pacquiao na si Yacap party list Rep.Carol Jane-Lopez, hindi niya napigilang mapaiyak ng matalo sa isang “hometown decision” ang pambansang kamao at maging ang kanyang mga Amerikanong katabi nitong nanood ay hindi rin makapaniwala sa resulta ng laban.
Para naman kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, isa sa palaging nanonood ng laban ni Pacquiao sa US, nabigla din siya sa pagkatalo ng kongresista tulad ng pagkabigla ni Bradley ng ihayag na nanalo na siya.
Subalit pinayuhan ni Benitez si Pacquiao na magretiro na lang sa halip magkaroon ng rematch at huwag na rin isulong pa ang laban kay Floyd Mayweather Jr..
Si CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna ay sinabi ring “nakaka-shock”, frustrating at nakakalungkot ang split decision. Sa kabila nito patuloy pa rin umano nilang susuportahan ang mga susunod pang laban ng kongresista.
Rematch
Kung si North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan naman ang tatanungin, papayuhan niya si Pacquiao na mag-rematch at kapag nakabawi ito at nakuha ang korona ay saka na siya magretiro.
Hinangaan naman ni Bagong Henerasyon Party list Rep. Bernadette Herrera-Dy ang pagtanggap ni Pacquiao sa kanyang pagkatalo bagamat hindi ito pabor sa desisyon kayat kailangan umanong magkaroon ng rematch upang maalis ang pagdududa ng buong mundo sa pagkapanalo ni Bradley.
- Latest
- Trending