TRO sa MMC giit ng AGAP
MANILA, Philippines - Hiniling ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist Rep. Nicanor “Nick” Briones sa Korte Suprema na agad magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na pipigil sa umano’y illegal na paniningil ng kuryente o member’s Contribution for Capital Expenditures (MMC) sa mga consumer ng may 119 electric cooperatives sa bansa.
Ayon kay Rep. Briones, umaabot na sa P100-bilyon ang illegal na nakokolekta ng mga electric cooperative sa kabuuang siyam na milyong electric consumer.
Ang AGAP at National Alliance for Consumer Empowerment of Electric Cooperative (NACEELCO) sa pangunguna ni Roberto G. Rosales ay nag-file ng petisyon sa Supreme Court na humihiling na ipatigil ang umano’y illegal na koleksiyon ng MMC at Reinvestment Fund for Sustainable Captial Expenditures (RFSC).
Sinabi ni Briones, ang consumer umano ang dapat na ituring na miyembro ng kooperatiba na may karapatang tumanggap ng shares o dibidendo mula sa kanilang buwanang kontribusyon. Isang signature campaign ang pinalalakad ngayon ng AGAP sa iba’t ibang bayan at probinsiya. Kung makakakuha ng 1.8M pirma ay maaari ng magsagawa ng referendum.
- Latest
- Trending