^

Bansa

De Lima laglag sa pagka-CJ

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Wala na sa listahan si Justice Secretary Leila de Lima sa mga pagpipi­lian ng susunod na Chief Justice ng bansa.

Ayon kay de Lima ni­rerespeto niya ang na­ging desisyon ni Pangulong Aquino na huwag na siyang isama sa mga pagpipilian na ipapalit kay da­ting chief justice Renato Corona.

Magugunitang maagang umugong ang pa­ngalan ni de Lima sa mga mano-nominate sa nasabing posisyon.

Naniniwala si Pangu­long Aquino na mas ma­raming magagawa si de Lima kung mananatili ito sa Department of Justice.

Samantala, kabilang sa mga maagang na-no­minate ay sina women and childrens right advocate Atty. Katrina Legarda, Solicitor-General Francis Jardeleza at Ateneo de Manila College of Law Dean Cesar Villanueva.

Hanggang sa Hunyo 18 bukas ang Judicial and Bar Council para sa mga isusumiteng nominasyon bago pormal na simulan ang pagsasala sa mga aplikante.

AQUINO

CHIEF JUSTICE

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SECRETARY LEILA

KATRINA LEGARDA

MANILA COLLEGE OF LAW DEAN CESAR VILLANUEVA

PANGULONG AQUINO

RENATO CORONA

SHY

SOLICITOR-GENERAL FRANCIS JARDELEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with