^

Bansa

Verzosa, 19 pa handang arestuhin ng PNP sa chopper scam

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Phi­ lippine National Police (PNP) na arestuhin si da­ting PNP Chief ret. Di­rec­tor General Jesus Ver­zosa at may 19 pang opisyal kaugnay ng ma­anomalyang pagbili ng helicopter para sa orga­nisasyon noong 2010.

Sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Gene­ roso Cerbo Jr. na hinihin­tay na lamang nila na mag-isyu ng kautusan ang Office of the Ombudsman  sa warrant of arrest laban sa 20 PNP officials sa pangunguna ni Verzosa. 

Ang reaksyon ay ginawa ni Cerbo matapos pormal ng maghain ng kasong graft ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo at 20 opis­yal ng PNP kaugnay ng chopper scam.

Sinabi ni Cerbo na sa 20 PNP officers na isinasangkot sa P104.9 M overpricing ng tatlong Robinson R44 Raven chopper na dalawa ay segunda mano, pito sa mga opisyal ang retirado na sa serbisyo at 13 ang aktibo na kinabibilangan nina Chief Supt Herold Ubalde, dating director ng Legal Service at Chief Supt. Luis Saligumba, Director ng Police National Training Institute.

Sa kasagsagan ng pag-iimbestiga sa kaso ay nagsumite ng leave of absence si Ubalde na nasa holding group ng PNP.

CERBO

CERBO JR.

CHIEF SUPT

CHIEF SUPT HEROLD UBALDE

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

GENERAL JESUS VER

LEGAL SERVICE

LUIS SALIGUMBA

NATIONAL POLICE

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with