US, naalarma sa sigalot sa Scarborough Shoal
MANILA, Philippines - Naalarma na ang Estados Unidos sa tumitinding sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o Scarborough Shoal.
Ibinulgar kahapon ni Defense Undersecretary for Defense Affairs Honorio Azcueta matapos ang courtesy call ni United States Joint Chief of Staff Gen. Martin Dempsey sa defense at military officials sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay Azcueta, aminado ang US na naalarma sila sa patuloy na sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa pinag-aagawang isla.
Una nang inihayag ng US Defense Secretary Leon Panetta sa katatapos na Shangri-la dialogue sa Singapore na palalakasin nito ang puwersa ng US Navy sa Asia Pacific Region ng 60% hanggang 2020 kung saan ay magdedeploy ng karagdagang US Navy warship tulad ng Navy cruisers, destroyer, submarines at iba pa maliban pa sa modernong electronic warfare saka communications systems.
Inihayag ni Azcueta na ang pagbisita ni Dempsey sa Pilipinas ay bahagi ng commitment ng US sa bansa kaugnay ng umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT) na nilagdaan noong 1951.
- Latest
- Trending