Pagkalkal sa assets ni Corona, magiging patas - BIR
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patas ang gagawin nilang imbestigasyon kaugnay ng umano’y tax evasion charges laban sa napatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, patuloy ang pagbusisi ng kanyang tanggapan sa posibleng tax evasion ni Corona.
Partikular aniyang iniimbestigahan ang nadiskubreng discrepancies sa tax declaration ni Corona at sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) mula noong 1992 hanggang 2010.
Sinabi ni Henares, maraming ebidensiya ang nakalap ng BIR mula sa mga naiprisintang katibayan sa nagdaang impeachment trial sa Senado.
Gayunman, sinabi nito na dapat nilang matiyak kung mayroon talagang naganap na tax evasion o wala sa nadiskubreng yaman ni Corona.
- Latest
- Trending