FCDA, aamyendahan
MANILA, Philippines - Matapos ang conviction ni dating Chief Justice Renato Corona, apat na panukalang batas agad ang inihain sa Kamara para amyedahan ang Foriegn Currency Deposit Act (FCDA).
Ang apat na panukala ay magkakahiwalay na inihain ng pitong kongresista sa layuning madaling mabuksan ang Foreign Currency Deposits ng mga opisyal ng gobyerno.
Sa apat na panukala, ang House bill 5838 ni Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno ang direktang nagbibigay ng otorisasyon sa impeachment court, regular na korte at sa office of the Ombudsman na buksan ang Foreign currency deposits ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Ang mga panukalang ito ay pawang nakatakda nang talakayin ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Leyte Representative Sergio Apostol.
Matatandaan na ang FCDA ang isinangkalan ni Corona sa hindi pagdedeklara ng kanyang 2.4 milyon dollar deposits na nasa apat na accounts sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).
- Latest
- Trending