MANILA, Philippines - Hindi idedeklara ng Malacañang na special non-working holiday ang June 11 kahit ipit ito sa pagdiriwang ng Independence Day sa June 12 na tumama sa araw ng Martes na isang regular holiday.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mukhang walang plano si Pangulong Aquino na magpalabas ng proclamation upang gawing non-working holiday ang June 11.
Marami ang nagtatanong kung may plano si PNoy na ideklarang special holiday ang June 11.
“On June 12 the celebration will remain, we will celebrate it Tuesday,” sabi ni Valte.