Promising songwriters magtatagisan sa ASOP ng UNTV
MANILA, Philippines - Magtatagisan ngayon ang mga promising songwriters sa “A Song Of Praise” o ASOP Music Festival ng UNTV.
Mauunang magpaparinig ng kanyang obra si Rolf Pineda sa awiting “Hesus Gamitin Mo Ang Buhay Ko” sa interpretasyon ni Mike Chan (dating miyembro ng grupong ‘Sabado Boys’).
Susundan ito ng 2nd time contestant at isang abugado na si Paul Hildawa sa kanyang likhang awit na “Tell Me Your Will” na aawitin naman ng Viva artist at kapwa kompositor na si Nica del Rosario.
Iparirinig naman ni Raymond Banayo ang kanyang nilikha na may titulong “I Can Never Find” sa rendisyon naman ng OPM Pop Icon na si Gino Padilla.
Samantala ang song entry na “Pag-ibig Kong Tunay” ni Aubrey Manlangit ay aawitin naman ng Teen Idol na si Bryan Homecillo.
Makakasama ni Celeste Legaspi bilang hurado ang mga hitmakers at songwriters par excellence na sina Snafu Rigor and Vehnee Saturno.
Host ng programa sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda.
Patuloy na tumatanggap ng entries ang ASOP Musical Festival at walang deadline ng pagsusumite. Maaring sumali ang lahat maging amateur man, professional o first-time composer pa.
Sa detalye, tumawag sa ASOP Production office: 442-6244 local 165.
- Latest
- Trending