'Ambo' lumalakas

MANILA, Philippines - Lalu pang lumalakas ang bagyong Ambo habang nasa silangan ng Luzon.

Sa latest monitoring ng PAGASA, alas-12 ng tanghali ay nasa 200 kilometro silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora si Ambo taglay ang lakas ng hanging 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 100 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 13 km bawat oras.

Bunsod nito, nakataas ang signal number 1 sa Aurora, Isabela, Cagayan, Babuyan Island at Batanes Group of Islands. Ang mga lugar na ito ay makakaranas ng malakas na paghangin at mga pag-uulan kaya pinapayuhan ang mga residente dito na mag-ingat sa banta ng landslides at flashfloods.

Show comments