MANILA, Philippines - All systems go na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase bukas, Hunyo 4.
Ayon kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, magpapakalat ang PNP ng sapat na bilang ng mga pulis partikular na sa mga unibersity belt (U-belt) sa Metro Manila kung saan inaasahang daragsa ang mga magbabalik eskuwelang mga mag-aaral.
“We will do this to ensure maximum police visibility and deter criminals from preying on our school children,” sabi ng PNP Chief.
Nagbigay rin ng safety tips ang pulisya sa mga estudyante upang makaiwas na mabiktima ng masasamang loob.
Mahigpit na babantayan ang street crimes tulad ng pandurukot, bag slashing, holdap, salisi gang, cellphone snatching na tila nagiging triple pa sa tuwing magbubukas eskuwela na karaniwang biktima ang mga estudyante.
Magpapakalat rin ang PNP ng public assistance desks sa mga campus upang mapanatili ang katiwasayan sa nasabing school opening.