^

Bansa

Hamon kay PNoy: Tapos ng impeachment, unemployment tutukan!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hinamon ng Ecume­nical Institute for Labor Education and Research (EILER) si Pangulong Noynoy Aquino na atupagin na ang paglutas sa unemployment ngayong hindi na ito abala sa pagtutok sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Anna Leah Escresa, executive director ng EILER,hindi na dapat magpalusot si Pa­ngulong Aquino sa kabiguan ng pamahalaan na lumikha ng trabaho dahilan para umakyat ng 13.8 milyon ang Pinoy na walang hanapbuhay.

Anya, panahon na para ibasura ng Pangulo ang labor policies ng nagdaang administrasyon partikular na ang contractualization.

Ayon pa kay Escresa, hindi nila minamaliit ang daang matuwid ng pamahalaang Aquino pero dapat magising ang Chief Executive na hindi ito direktang sagot sa isyu ng sikmura ng publiko.

ANNA LEAH ESCRESA

ANYA

AQUINO

AYON

CHIEF EXECUTIVE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

ECUME

ESCRESA

LABOR EDUCATION AND RESEARCH

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with