10 Pinoy namamatay sa yosi kada oras
MANILA, Philippines - Sampung Pinoy kada oras ang namamatay dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo tulad ng lung cancer, cardio vascular disease at stroke.
Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na mas paiigtingin nila ang kanilang kampanya kabilang na ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at pagtataas ng sin tax.
Layunin anya ng pamahalaan na mabawasan ng one-fourth ang bilang ng naninigarilyo. Tinataya sa buong mundo na sa taong 2020 ay aabot sa 100 milyon ang maililigtas na buhay.
Bagama’t ang pagtataas ng sin tax ang isa rin sa pinaka epektibong paraan na nakikita ng gobyerno dahil itataas ang presyo ng sigarilyo bawat kaha nito, posible umanong gumawa naman ng paraan ang mga cigarette companies upang gawin ng tingi-tingi ang bentahan ng sigarilyo.
Nagiging ugali umano ng mga Pinoy na bumibili sa sachet o tingi-tingi para makatipid. Kadalasan ding mas inuuna pa ng mga Pinoy ang bumili ng yosi kaysa pagkain.
- Latest
- Trending