Nagkakasakit sa bato dumarami
Manila, Philippines - Patuloy na dumarami ang bilang ng mga Pinoy na tinatamaan ng sakit sa kidney o bato, ayon sa Department of Health.
Sinabi ni Dr. Antonio R. Paraiso, manager ng National Kidney Institute (NKTI) Renal Disease Control Program, na sa kasalukuyan wala silang espesipikong datos kung ilan ang nagkakasakit sa bato, subalit tumitindi anya ang pag-angat ng bilang nito dahil na rin sa karamihan sa may sakit ay hindi nagagawang magpagamot.
Kaya naman, bilang ahensya na nangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino, gumawa anya sila ng isang programa para maibsan ang lumalaking bilang ng mga nagkakasakit nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng malawakang impormasyon hingil sa pag-iwas sa sakit sa bato sa mga barangay level.
Tulad anya ng paglimita sa pagkain ng maalat o asin, pag-inom ng maraming tubig, pagmantina ng normal na timbang at araw-araw na ehersisyo sa loob ng 30 minuto upang mapanatili ang tamang kondisyon ng kidney.
Giit ni Paraiso, makikita ng isang indibidwal na tinamaan na siya ng sakit sa bato sa pamamagitan ng ihi na naglalabas ng chlorine.
Kabilang sa umano’y pangunahing gawain ng kidney ang pagpapanatili sa kalidad at tamang dami ng dugo sa pamamagitan ng pagsala rito ng mga dumi at nakakalasong kemikal.
- Latest
- Trending