School supplies sa Valenzuela bagsak presyo
MANILA, Philippines - Mababawasan ang pasanin ng mga magulang ng mga estudyante sa Valenzuela City.
Ito’y kasunod ng kasunduan ng Valenzuela city government at local businesses na magpatupad ng mas mababang presyo ng school supplies upang mabawasan ang gastusin ng mga magulang.
Tinawag na ‘Bagsak Presyo sa Balik-Eskwe lang Valenzuelano,’ layunin ng programa na matulungan ang mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Sa tatlong araw na trade fair, mabibigyan ng pagkakataon ang mga magulang na makabili ng school supplies ng may 50 percent discount sa mga most school supplies partikular sa school bags at maging sa food items.
“This is our small way of helping parents survive the onslaught of expenses with the forthcoming school opening. It is also our indirect way of helping invest on the future of our children,” saad ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpatupad ng ganitong uri ng programa ang lungsod at posibleng kauna-unahan ito sa buong bansa.
Sa ngayon, 16 businesses na ang nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan kung saan ang ilang produkto ay ibebenta sa factory prices.
- Latest
- Trending