'Outsider' na Chief Justice ok kay PNoy
MANILA, Philippines - Bukas si Pangulong Aquino sa pagtatalaga ng ‘outsider’ sa Korte Suprema bilang kapalit ng napatalsik na Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma, nais ng Pangulo nang malawak na pagpipilian ng bagong punong mahistrado.
Unang lumabas ang pangalan nina Sen. Franklin Drilon at BIR Commissioner Kim Henares habang matagal nang lumulutang ang hangad ni acting Chief Justice Antonio Carpio na maitalaga sa puwesto.
Tumaas umano lalo ang kumpiyansa ni PNoy matapos katigan ng taumbayan ang pagpapatalsik kay Corona.
- Latest
- Trending