^

Bansa

8 solons pumirma ng waiver sa SALN

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Lumagda na sa isang waiver ang lider ng oposisyon sa Kamara na si Quezon Rep. Danilo Sua­rez at ang mga militanteng kongresista upang maisapubliko ang lahat ng kanyang mga ari-arian.

Personal na nilagdaan ni Suarez ang waiver sa harap ng media para ipakitang transparent at ang lahat ng kaniyang ari- arian ay naideklara sa kaniyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Ayon kay Suarez, ang waiver ay isusumite sa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte samantalang inamin nito na wala siyang dollar account subalit mayroon siyang dalawang helicopters subalit anim silang may-ari kabilang na dito ang television host na si Willie Revillame na nagkakahalaga ng P3.5 milyon hanggang P4.7 milyon.

Bukod naman kay Sua­rez, pito pang miyembro ng Makabayan bloc o mga militanteng kongresista ang lumagda sa waiver.

Kabilang na sina Ba­yan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares, Gabriela Reps. Luz Ilagan at Emma de Jesus, Anakpawis Rep. Rafael Mariano, ACT teacher party list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party list Rep. Raymond Palatino.

Tumanggi naman si lead prosecutor Rep. Niel Tupas na pumirma sa waiver.

ANAKPAWIS REP

ANTONIO TINIO

DANILO SUA

GABRIELA REPS

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

LUZ ILAGAN

MUNA REPS

NERI COLMENARES

NIEL TUPAS

QUEZON REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with