^

Bansa

Prosekusyon nag-victory party sa Palasyo

- Ni Rudy Andal/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Nag-victory party ang prosekusyon kasama si Pangulong Benigno Aquino III kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng Palasyo matapos ma-convict si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, biglaan ang nasabing pagdating ng mga kongresista at mga private prosecutors kung saan personal na pinasa­lamatan ng Pangulo ang mga nasabing abogado, miyembro ng secretariat at staff dahil sa kanilang pagboluntaryo.

Magugunitang si Pa­ngulong Aquino mismo ang nanguna para mapatalsik si Corona dahil sa paniwalang balakid ito sa kanyang reform agenda sa judicial system ng bansa.

“The members of the prosecution, including private prosecutors, members of the secretariat and staff were received by the President in an impromptu call last night. President Aquino met most of them for the first time and thanked them for volunteering to help,” wika ni Valte.

Ayon naman kay Quezon City Rep. Boyet Banal, wala namang masama kung personal nilang tinanggap ang pasasa­lamat ng Pangulo.

Inamin naman ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na nagtungo siya sa Palasyo kasama ang may 50 kongresista at mga volunteers pero tanging pasasalamat lang daw ang tinanggap nila sa Pangulo.

Tumanggi naman ang mga kongresista na banggitin ang mga pangalan ng mga kongresistang kasama nila na nagtungo sa Malacañang.

vuukle comment

BOYET BANAL

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPUTY PRE

GIORGIDI AGGABAO

ISABELA REP

PALASYO

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with