^

Bansa

'Ambo' binabantayan ng PAGASA

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure na nasa Nor­thern Samar dahil kapag naging bagyo, ito ay tatawaging “Ambo” at malamang na ideklara na tag-ulan na sa bansa.

Ito ang sinabi ni Boy Soriaga, weather forecaster kaugnay ng nararanasang panahon sa kasalukuyan.

Ani Soriaga, kahapon ang LPA ay nasa layong 520 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.

Binigyang diin ni Soriaga na bagamat maulan na sa ngayon ay hindi pa rin nila maideklarang tag-ulan na dahil kailangang pumasa sa requirement ang mga ulan na nagaganap sa bansa.

Kailangan anya ay aabutin ng 1mm ng tubig ulan ang babagsak sa tatlong magkakasunod na araw o aabutin ng 25mm na rainfall ang dapat nilang maitala sa loob ng limang araw para maideklarang tag-ulan na.

Sa ngayon anya, kahit may mga pag-uulan, hindi pa nakakaabot sa itinakdang requirement ang kailangang ulan kayat hindi maideklarang tag-ulan na sa ngayon.

ANI SORIAGA

BINABANTAYAN

BINIGYANG

BOY SORIAGA

CATARMAN

KAILANGAN

NORTHERN SAMAR

SAMAR

ULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with