Palasyo handa na sa hatol
MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na nakahanda na ito sa anumang magiging hatol ng impeachment court laban kay Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa media briefing kahapon, handa ang Palasyo na tanggapin ang anumang desisyon ng impeachment court na inaasahang magbobotohan ngayon.
Ayon kay Usec. Valte, naniniwala silang ibabatay ng mga senator-judges ang kanilang hatol sa iniharap na ebidensiya sa impeachment court laban sa punong mahistrado.
Aniya, batay sa mga iniharap na ebidensiya at testimonya ay matibay itong basehan laban kay Corona.
Idinagdag pa ng spokesperson ng Palasyo, igagalang ng Malacañang ang anumang magiging hatol nito sa kaso at ipinauubaya nila sa mga senator-judges ang paghuhusga batay sa mga ebidensiyang iniharap sa impeachment court particular ang ginawang pag-amin ni Corona nang humarap ito na hindi niya idineklara sa kanyang SALN ang dollar account nito gayundin ang kanyang P80 milyon peso deposit.
- Latest
- Trending