MANILA, Philippines - Dadaan sa butas ng karayom ang mga partylist na nagnanais na lumahok sa May 2013 elections.
Ayon kay Atty. James Jimenez, Spokesman ng Commission on Election (Comelec) sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc, Maynila ma giging mahigpit sila sa pagsala sa mga aplikanteng partylist upang makatiyak na kumakatawan sa marginalized sector ang makukuwalipika sa 2013 midterm polls.
Sa ngayon ay mayroon pang natitirang 20 kaso na dinidinig ang Comelec, na posibleng sa ika lawang linggo ng Hunyo maipalabas ang listahan ng mga kuwalipikadong partylist.
Sa kasalukuyan, nabawasan umano ng 62 ang mga partylist at malamang umanong mga 80 ang makapasok.
Sinabi pa ni Jimenez, kinakailangan na may “track record” ang isang partylist na kabilang sa pinagbabasehan ng Comelec sa kanilang pagpili.
Kinakailangan uma nong nakapagpakita na ang mga ito ng pagtulong sa kanilang kinakatawan at nakapagbigay na ng mga training at outreach program.
Sinabi naman ni Ronald Uychutin ng Ang Guwardiya Alliance, kumakatawan sa marginal sector ng mga guwadiya, minabuti nila na magparehistro dahil hindi naman nararamdaman ang tulong ng Ang Galing Partylist ni Rep. Mikey Arroyo, na kasalukuyang kumakatawan sa sector ng mga guwardiya.
Kabilang sa mga isusulong nito ay ang mga suweldo ng guwardiya.