Jessica wala sa sked ng US visit ni PNoy
MANILA, Philippines - Hindi kabilang sa schedule ni Pangulong Aquino sa state visit nito sa Estados Unidos ang pakikipagkita kay Filipino-Mexican Jessica Sanchez na runner-up sa katatapos lamang na American Idol season 11.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, imposibleng magkaroon ng pagkakataon si Pangulong Aquino na makipagkita kay Sanchez sa US dahil sa busy schedule nito sa kanyang state visit sa imbitasyon ni US Pres. Barrack Obama.
“We are looking at the working itinerary of the president, mukhang (it appears) tight. I’m not sure if it is possible to arrange a meeting that is so sudden, on both sides,” ayon kay Valte.
Nakatakdang magtungo sa US si PNoy mula June 6-8 matapos ang kanyang state visit din sa London mula June 2-4.
- Latest
- Trending