MANILA, Philippines - Sumunod na ring nagpatupad ng kani-kanilang rolbak sa presyo ng petrolyo ang anim pang kumpanya ng langis sa bansa makaraang pangunahan ng Petron Corporation.
Kabilang sa nagtapyas sa kanilang presyo ang dalawa pang miyembro ng Big 3 na Pilipinas Shell at Chevron Corporation, kasama rin ang mga independent players na PT&T, Seaoil, Phoenix Petroleum at Total Philippines.
Dakong alas-12:01 ng hatinggabi ng magbawas ng presyo ang Shell, Chevron, Seaoil at PTT ng P.35 sentimos bawat litro ng diesel at kerosene, P.45 sentimos sa bawat litro ng premium at unleaded gasoline, at P.90 sentimos sa kada litro ng regular gasoline.
Sumunod namang nag-rolbak alas-6:00 ng umaga ang Phoenix Petroleum at Total sa katulad ding halaga. Ang bawas presyo ay epekto pa rin ng pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.