MANILA, Philippines - Target ng Commission on Election (Comelec) na magkaroon ng 1 milyon absentee voters sa darating na mid-term election sa 2013.
Sa pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Atty. James Jimenez, spokesman ng poll body, sa kasalukuyan nadagdagan pa ng 96,000 aplikante ang dati ng 589,000 absentee voters.
Itinakda hanggang sa Oktubre 31 ang registration para sa mga bagong botante.
Nalaman kay Jimenez, maaring bumoto isang buwan bago mag-eleksiyon ang mga AV sa mga embahada ng Pilipinas na nasasakupan ng mga bansang kanilang pinagta-trabahuhan.
Ito ay sa pamamagitan ng “internet voting” sa mga embassy.