^

Bansa

Kapag 'guilty' si Corona, Depensa aapela

- Nina Rudy Andal at Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sakaling guilty ang ilabas na hatol ng impeachment court laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, nagpa­sakalye na ang kampo nito na kanila ng pinaghahandaan ang posibleng pag-apela sa Kataas-taasang Hukuman.

Muling iginiit ni defense lead counsel Serafin Cuevas na walang sinasabi sa batas na “final and executory” na ang desisyon ng Senado sa impeachment case.

“Wala pong ganoon nakalagay sa Konstitusyon. Now, kung wala po iyon, parang another remedyo. We have no other alternative but to result to certiorari. I’ll ask for a petition for review,” ani Cuevas.

Sa ngayon ay may nakabinbin pang petis­yon si Corona sa SC na humihiling na ipatigil ang paglilitis dahil sa umano’y pag-abuso ng Senado sa kapangyarihan nito.

Una nang nagbabala ang ilang senator-judges na maaring magkaroon ng constitutional crisis sa­kaling makikialam ang Korte Suprema sa trabaho ng Senado.

Ayon pa sa retired justice, bagama’t nasa kapangyarihan umano ng Kongreso ang pagtalakay at paghatol sa impeachment case, hindi umano nangangahulugang wala ng kapangyarihan dito ang SC.

“I hope patawarin nila ako, because hindi po naman maaring gawin na pikit-mata na lang at tanggapin na lang kung ano iyan,” giit ni Cuevas.

Kaagad namang nagpahayag ng pagkadis­maya ang House prosecution panel sa nasabing posisyon ni Cuevas.

vuukle comment

AYON

CUEVAS

HUKUMAN

KAAGAD

KATAAS

KONGRESO

KORTE SUPREMA

SENADO

SERAFIN CUEVAS

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with