^

Bansa

Tubig sa Laguna Lake sinuri na sa fishkill

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ilalabas na sa susunod na linggo ang resulta ng pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) sa tubig sa Laguna Lake kaugnay ng nangyaring malawakang fish kill.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, layunin ng water sampling na madetermina kung ang tubig sa nasabing lawa ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda kamakailan.

Partikular na naapek­tuhan ng fishkill ang Barangay Masli at Sucol sa Calamba na bahagi pa ng Laguna Lake.

Hindi rin kumbinsido ang BFAR sa teoryang mga carnivorous na night fish ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng BFAR ang mga mangingisda na ili­bing na lamang ang mga mahuhuli nilang patay na isda upang hindi magdulot ng lason sa tubig sa lugar.  

AYON

BARANGAY MASLI

BUREAU OF FISHERIES AND ACQUATIC RESOURCES

CALAMBA

DIRECTOR ASIS PEREZ

ILALABAS

KAUGNAY

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE.

PARTIKULAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with