Brady bagong China envoy

MANILA, Philippines - Ibinalik ni Pangulong Aquino bilang ambassador ng Pilipinas sa China si Sonia Brady kapalit ni Domingo Lee na hindi makalusot-lusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Dati ng nagsilbing ambassador to China si Brady noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, si Brady ay nagsilbing ambassador to China mula 2006 hanggang 2010.

Bukod sa China, binigyan din ng concurrent jurisdiction ng Malacañang si Brady sa People’s Republic of Korea at Mongolia.

Isang beteranong career diplomat si Brady at hindi na rin bago sa kanyang trabaho.

Nagsilbi rin ito bilang kinatawan ng Pilipinas sa Thailand (2002-2003), Myanmar (1995-1999) at deputy of chief of mission to Indonesia (1994-1995) at ilan pang foreign designations.

Matatandaan na ilang beses na hindi nakalusot sa CA ang itinalagang ambassador to China ni Pa­ngulong Aquino na si Lee dahil na rin sa ilang isyung ibinabato ng mga senador na hindi nito masagot.  

Show comments