2 Pinoy kulong sa sumadsad na barko
MANILA, Philippines - Dalawang tripulanteng Pinoy ang hinatulan ng pitong buwang pagkabilanggo matapos na mapatunayang nagkasala sa pagkakasadsad ng sinakyang barko sa New Zealand noong nakalipas na taon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, una nang nag-plead ng guilty sa New Zealand court ang Pinoy ship captain na si Mauro Balomaga at second officer Leonil Relon kasunod ang naganap na pagsadsad ng barkong MV Rena na may sakay na 1,346 tonelada ng langis at tinatayang 300 tonelada ang natapon sa Astrolabe Reef noong Oktubre 5, 2011 hanggang sa ibaba ng korte ang kanilang hatol na pagkabilanggo.
Ang pagsadsad ng naturang oil cargo vessel ay nagdulot ng matinding oil spill sa karagatan ng New Zealand na pinakamalala at kauna-unahan sa kanilang kasaysayan at naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga isda at sa mahigit 2,000 seabirds.
Sa pagsisiyasat ng New Zealand authorities, nagmadali o nag-short cut ang nasabing kapitan upang kaagad na makapunta sa pantalan na naging dahilan ng pagsadsad ng barko.
- Latest
- Trending