MANILA, Philippines - Iminungkahi ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na sibakin sa puwesto ang sinumang opisyal ng pulis na may masasaktan o mapapatay na reporter sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay ALAM Chairman Jerry S. Yap, karapatan ng sinumang kapulisan na pangalagaan ang sakop nitong mamamayan na tulad ng mga reporter na nakatalaga sa kanilang nasasakupan. Anya, dapat patindihin ang kampanya ng pamahalaan hinggil sa pagkakaloob ng proteksyon at hustisya sa mga reporter na kalimitan ay biktima ng paninikil ng mga maimpluwensyang sindikato at mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Sa ngayon, kulang kulang 10 mediamen ang napapaslang sa ilalim ng Aquino adinistration at hindi na mabilang ang nabibiktima ng karahasan.