Sinungaling siya - Morales

MANILA, Philippines - Galit na galit namang sinabi ni Morales na kasinungalingan ang lahat ng mga binitiwang pahayag sa kanya ni Corona.

Sa isang press conference, sinabi ni Morales na walang mali sa kanyang mga sinabi sa impeachment court hinggil sa yaman ni CJ Corona at handa anya siyang bumalik sa impeachment court upang patotohanan na tama ang kanyang mga sinabi kamakailan sa korte.

“He is the certified liar” galit na sabi ni Ombudsman Morales.

Nilinaw pa ni Morales na hindi kailanman siya nagpapagamit sa Malakanyang laban kay Corona.

“Never in my life na magpagamit sa Malakanyang at sa kahit sino!” dagdag ni Morales.  

Show comments