^

Bansa

CJ dadalo ngayon

- Nina Malou Escudero, Mer Layson at Doris Borja -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga doktor at mga miyembro ng pamilya, dadalo umano ngayon sa impeachment trial sa Senado si Chief Justice Renato Corona.

Ito ang tiniyak kahapon ni dating Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas matapos bigyan ng 48 oras ni Senate Pre­sident Juan Ponce Enrile si Corona upang bumalik sa witness stand.

Sinabi ni Cuevas na wala namang pagpipi­lian si Corona kundi ang bumalik sa impeachment court para tapusin ang kaniyang testimonya.

Nabatid na bumuti na ang lagay ng kondisyon ni Corona kaya ilalabas na siya sa Intensive Care Unit (ICU) sa The Medical City sa Pasig City.

Sinabi ni Dr. Eugenio Jose Ramos, senior vice president for medical service ng Medical City, hindi inatake sa puso ang punong mahistrado sa nakalipas na 48-oras na monitoring sa kanya kaya ililipat na ito sa isang private room sa pagamutan.

Gayunman, ayon kay Dr. Ramos, kung magde­desisyon itong sumipot sa pagdinig sa Senado ngayong araw ay papi­pirmahin nila ito ng waiver.

Nakasaad sa waiver na walang magiging pa­ nanagutan ang mga doctor at ang The Medical City kung mayroon mang hindi magandang mangyari sa punong mahistrado.

Pinirmahan naman ni Corona ang waiver.

Bukod kay Corona, pirmado rin ang natu­rang waiver ng kaniyang asawang si Cristina, anak na si Carla Corona-Castillo, Francis Corona at mga doctor na sina Dra. Marian Almajar at Dr. Michael Villa.

Tiniyak naman ni Dr. Ramos na ihahatid nila ng ambulansiya sa Senado ang chief justice sa oras na sisipot ito sa impeachment court.

Inihayag ni Ramos na kinakitaan nila ng sakit na ‘acute coronary syndrome’, na isa umanong maituturing na ‘traydor na karamdaman’ na maaaring atakihin sa puso sa oras na makaranas ng stress ang punong ma­histrado.

Si Corona ay dalawang beses na ring sumailalim sa bypass operation, noong 1995 at 2008. 

Matatandaan na sinabi ni Enrile na kung hindi babalik si Corona ay tatapusin pa rin nila ang trial at tiyak na maglalabas sila ng desisyon sa Martes.

Tatanggapin na rin ng impeachment court bilang ebidensiya ang testimonya o opening statement ni Corona na tumagal ng nasa tatlong oras kahit pa hindi ito naisalang sa cross examination.

Sakaling hindi maka­dalo ang chief justice nga­yong Biyernes, maghahain pa rin ng formal offer of evi­dence ang defense team bago sasalang sa closing argument sa darating na Lunes.

Sa Lunes isasagawa ang oral argument kung saan bibigyan ang panig ng depensa at pro­se­kusyon ng tig-isang oras para magsalita.

Alinsunod sa rules, ka­ilangan ng prosecution ng 16 boto mula sa mga senator-judges para ma-convict ang nasasakdal.

Samantala, kaugnay sa inaasahang pagda­ting ni Corona, nagpa­labas ng media advisory ang Public Relations and Information Bureau ng Senado na gagawing off limits sa media ang hallway mula sa session hall hanggang sa executive lounge sa second floor at maging ang basement kung saan paparada ang sasakyan ng Punong Mahistrado.

CARLA CORONA-CASTILLO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

CUEVAS

DR. EUGENIO JOSE RAMOS

DR. MICHAEL VILLA

MEDICAL CITY

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with