^

Bansa

94 Chinese vessels nasa Scarborough

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng fishing ban na ipinatutupad ng pamahalaan, tahasang nilabag ito ng China matapos na dumagsa ang halos 100 Chinese vessels na nakahimpil at illegal na nangi­ngisda at naninira ng mga higanteng clams at corals sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.

Kinumpirma kahapon ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na base sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), nitong Mayo 22 ay umabot na sa 94 Chinese vessels (dalawang government ship, 16 fishing vessel at 76 utility boats) ang dumating sa Scarborough. 

Sinabi ni Hernandez na noong Mayo 21 ng alas-7 ng gabi, namataan din ng PCG ang limang Chinese government vessels (CMS-71, CMS-84, FLEC-301, FLEC-303 at FLEC-310) at 16 Chinese fishing boats (10 ang nasa loob ng lagoon at anim ang nasa labas) na pumasok at ilegal na nangingisda sa Shoal. May 56 pang Chinese uti­lity boats (27 ang nasa loob ng lagoon at 29 ang nasa labas) ang pumasok din sa Shoal.

Bunsod nito, hiniling ng Pilipinas sa China na agad na i-pull out ang kanilang Chinese vessels sa Bajo de Masinloc na nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas dahil sa ilegal na aktibidad sa nasabing shoal.

BAJO

BUNSOD

CHINESE

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HERNANDEZ

KINUMPIRMA

PANATAG SHOAL

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->