^

Bansa

Corona hahatulan na sa Martes

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile na ibababa ng impeachment court ang hatol kay impeached Chief Justice Renato Corona sa darating na Martes sa kabila ng pagkabigo ng Punong Mahistrado na humarap muli kahapon dahil sa biglaang pagkakasakit.

Binigyan ni Enrile ng hanggang Biyernes ang mga abogado ni Corona na iharap ito sa impeachment court matapos ihayag ni Serafin Cuevas, lead counsel ng depensa, na naka-confine sa ospital ang kanilang kliyente.

Ayon kay Cuevas, nagtungo siya sa Medical City pero nabigo siyang makausap si Corona at ang ta­nging humarap sa kaniya ay si Mrs. Cristina Corona at mga anak ng chief justice na sina Carla at Francis.

Sinabi pa ni Cuevas na hindi nila tututulan kung magpapadala ang Senado ng doctor upang i-check up si Corona na hirap umanong tumayo at huminga.

Itinakda ni Enrile sa Lunes ang oral arguments ng depensa at ng prosekusyon.

Inihayag naman ni Rep. Niel Tupas, na kung babalik si Corona sa Biyernes iwi-waive na nila ang kanilang karapatan sa cross-examination.

Nagkasundo rin ang mga senador sa isinagawang caucus na gamitin na rin bilang ebidensiya ang testimonya ni Corona kamakalawa kahit pa hindi ito sumipot sa trial sa Biyernes.

“If Corona does not appear on Friday, we will consider his statement yesterday as evidence,” sabi ni Enrile.

Bibigyan naman ng tig-isang oras ang depensa at ang prosecution sa gaga­wing oral arguments.

Napaulat na sinabi ni Dr. Eugenio Ramos, senior vice president ng Medical City na binabantayan ng mga doctor si Corona dahil sa posibleng heart attack.

Kailangan ng pro­se­kusyon na makakuha ng 16 boto mula sa mga se­nator-judges para ma-convict si Corona kahit sa isa lang sa tatlong Articles of Impeachment samantalang 8 lang ang kailangan para ma-acquit ang Punong Mahistrado.

Matatandaan na humarap si Corona sa trial noong Martes pero nag-walkout ito matapos ang halos tatlong oras na ope­ning statement. Itinatanggi naman ng defense team na ‘walkout’ ang nangyari kundi nagpaalam ang punong mahistrado bago ito bumaba sa witness stand dahil masama na ang pakiramdam nito matapos bumaba ang kanyang blood sugar at tumaas ang kanyang blood pressure.

Hindi naman nakalabas ng Senado si Corona matapos iutos ni Enrile na isara ang lahat ng lagusan na puwedeng daanan ni Corona palabas ng gusali hanggang sa ibalik na nakasakay ng wheelchair si Corona sa session hall ng Senado. -May ulat ni Rudy Andal

ARTICLES OF IMPEACHMENT

BIYERNES

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

CUEVAS

DR. EUGENIO RAMOS

ENRILE

MEDICAL CITY

PUNONG MAHISTRADO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with