Saging ng Pinas pinayagan na sa China
MANILA, Philippines - Pinayagan nang makapasok ang ‘saging’ ng Pilipinas sa China.
Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa media briefing na iniulat ng Department of Agriculture (DA) na pinayagan ng China na makapasok sa kanila ang 30-40 na container vans na naglalaman ng ‘saging’ matapos ang nangyaring stand off sa Panatag Shoal.
Iginiit pa ni Valte, bago lumabas ng bansa ang mga export na saging ay masusing iniinpeksyon ito ng DA para huwag magkaroon ng problema sa China.
Magugunita na pinagbawalang makapasok sa China ang Philippine banana matapos sumiklab ang stand off sa Panatag Shoal sa pagitan ng Pilipinas at China at ang ikinatwiran ay mayroon daw ‘aonidiella comperei’, isang uri ng bulate na nakikita sa niyog.
- Latest
- Trending