MANILA, Philippines - Bumuwelta agad ang Malacañang sa naging opening statement ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kung saan tahasan nitong binatikos si Pangulong Aquino.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, taliwas sa naging akusasyon ni Corona, walang personalan sa paghabol sa kanya ng pamahalaan.
Ginagawa lamang anya ng administrasyon ang tungkulin para panagutin ang sinumang nagkasala sa taongbayan.
Iginiit ni Valte, walang makakaligtas sa paghahabol ng accountability, mula sa pinakamababang mamamayan hanggang sa pinakamataas na opisyal. Sinumang magtatraydor sa tiwala ng taongbayan ay nararapat lamang na panagutin sa pinakamabigat na paraan.
“That should unite all branches of government is justice for all and that accountability escapes no one. This is what is meant by the rule of law and a regime of truth and justice. From the humblest citizen to the highest holder of a position, to betray public trust demands the fullest measure of accountability. The Chief Justice does not understand that the quest for accountability is not a personal attack against him, but rather, the proper exercise of the obligation to punish offenses against the people. Having been given his day in court, he has demonstrated how lacking he is, in understanding the institutions that have been called to hold him to account to the people,” paliwanag pa ni Valte.
Nabatid na maging ang Pangulo ay nag-aabang din para mapakinggan ang pagtestigo ni Corona.
Maghapon lamang ang Pangulo sa loob ng Palasyo kausap ang iba’t ibang mga opisyal ng Gabinete.