^

Bansa

Corona pumirma ng waiver

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isang waiver ang nilagdaan kahapon ni impeached Chief Justice Renato Corona sa harap ng impeachment court na nagpapahintulot na isiwalat sa publiko ang lahat ng kaniyang mga ari-arian at laman ng kaniyang mga deposito sa bangko.

Pero may kondisyon si Corona sa pagbibigay ng kaniyang waiver, ito’y kung maglalabas din ng waiver ang 188 congressmen na bumoto na pabor sa impeachment complaint laban sa kaniya at maglabas din ng waiver si Senator Franklin Drilon.

Ayon kay Corona, pahihintulutan niya ang Bureau of Internal Revenue, Anti-Money Laundering Council (AMLA) at maging ang Land Registration Authority (LRA) na isiwalat sa publiko ang lahat ng kaniyang business interes kabilang na ang sa kaniyang asawang si Cristina.

Hinamon ni Corona na lahat ng mga 188 mambabatas at si Drilon na sumama sa kaniya sa tinawag na “moment of truth”.

“Let us face the people together. Our people are watching all of us,” sabi ni Corona.

Sinabi ni Corona na hindi isang manipulasyon o trick ang paglagda niya sa waiver na maaring tapatan din ng paglagda sa waiver ng mga congressmen na nagsakdal sa kaniya.

Sinabi pa ni Corona na kung hindi papayag ang 188 congressmen at si Drilon na lumagda sa waiver ay aatasan niya ang kaniyang mga abogado na i-rest na ang kaniyang kaso lalo pa’t wala naman napatunayan sa mga ito.

“I pray that these gentlemen accept my invitation…isusumite ko po ang aking waiver sa kinauukulan kapag kumpleto na pirma ng waiver…kapag hindi sila (congressmen at si Drilon) papayag… i-rest ko na po ang aking depensa tutal wala naman silang napatunayan laban sa akin,” sabi ni Corona.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

DRILON

KANIYANG

LAND REGISTRATION AUTHORITY

SINABI

WAIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with