Manila, Philippines - Lumalakas ang namataang Low Pressure Area (LPA) na ngayon ay patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geopysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa bahagi ng Mariana Islands, sa timog-silangan ng Guam.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 2,232 kilometer sa silangan ng Visayas.
Tinatahak nito ang pangkalahatang direksyon patungong katimugan ng Northern Mariana Islands sa bilis na 15 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hangin na umaabot ng 35 kilometro bawat oras.
Samantala, patuloy pa ring nakakaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) habang buntot ng cold front ang nakakaapekto sa Northern Luzon kaya’t nakakaranas dito ng mga pag-uulan laluna sa bandang hapon o gabi.