^

Bansa

'Flagship project' ng gobyerno, bantayan

- Joy Cantos -

Manila, Philippines -  Iniutos kahapon ni Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa sa kanyang mga tauhan ang mahigpit na pagbabantay sa mga flagship project ng gobyerno upang mapigilan ang posible pang pananabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ang direktiba ay ipinalabas ni Dellosa kasunod ng pag-atake ng mga rebeldeng NPA sa kons­truksyon ng international airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay noong Biyernes ng gabi na ikinasugat ng dalawang nagrespondeng sundalo.

“All units all instructed to improve their security plan and intensified their intelligence gathering ope­rations to prevent such occurrence,” pahayag ng Chief of Staff.

Sa nasabing insidente ay nasugatan ang dalawang sundalo na sina Pfc. Gapayao at Pfc. Cornal; pawang nakatalaga sa Army’s 2nd Infantry Battalion (IB).

Ayon kay 901st Infantry Brigade Commander Col.Arthur Ang, kung hindi sa maagap na pagresponde ng kaniyang mga tauhan ay malamang na tuluyan ng naabong lahat ang mga kagamitan sa nasabing flagship project.

ALBAY

ALOBO

ARMED FORCES OF THE PHI

ARTHUR ANG

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE COMMANDER COL

JESSIE DELLOSA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with