LPA Naispatan
MANILA, Philippines - Nakatutok ngayon ang buong tropa ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Sevices Administration (Pagasa) sa namataang sama ng panahon sa bahagi ng Visayas at Mindanao na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi nito.
Sa pinakahuling ulat ng Pagasa, namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 670 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Binalaan ng Pagasa ang mga lugar na maapektuhan ng pag-ulan na mag-ingat sa mga flashflood at landslide na dulot ng malalakas na pag-ulan.
Kabilang dito ang mga probinsya ng Agusan, Davao at Surigao.
Ayon kay Adzar Aurelio, weather forecaster, hindi naman inaasahang lalakas pa ang nasabing LPA para maging bagyo dahil sa lakas ng hangin nasa paligid nito na magiging sanhi para mawasak ang mga namumuong ulap.
- Latest
- Trending