500 mahihirap nabiyayaan ng feeding program ni Maganto
MANILA, Philippines - Mahigit 500 batang mahihirap sa Baseco compound sa Tondo, Manila ang nabiyayaan ng Have Faith Volunteers Kid’s Feeding Program kahapon ng umaga.
Sa ilalim ng pamumuno ni Faith Maganto, anak ng sikat at magiting na retiradong heneral na si Gen. Romeo Maganto, mahigit 500 bata ang sabay-sabay na pinakain ng grupo ni Faith.
“Ito ang aking paraan ng pasasalamat sa kanila. Ibinabalik ko lang ang mga biyayang aking natatanggap,” pahayag ni Maganto.
Si Maganto, na kilalang pilantropo, ay siya ring tumutulong sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) para gawing “world-class” ang mga produktong gawa ng mga preso sa loob ng kulungan.
Nagpasalamat kay Maganto ang mga pamilya ng 500 bata na nabigyan ng nutrisyon. Mainit ding tinanggap ang grupo ni Maganto ng mga residente sa Baseco compound.
Ipinangako naman ni Maganto na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa kanilang lugar sa Maynila.
- Latest
- Trending