^

Bansa

Masagana, murang pagkain bago 2016

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinakilos na ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang mga ahensiyang nasa ilalim nito para tugunan ang nais ni Pangulong Aquino na maging food sufficient ang bansa bago siya tuluyang bumaba sa puwesto sa taong 2016.

Sinabi ni Alcala, uunahin nila ang rice sufficiency program at pag-e-export na ng bigas sa ibang bansa sa taong 2013.

Target naman nila sa taong 2014 ay hindi na mag-aangkat ang Pilipinas ng mga karne ng manok, baboy at isda mula sa ibang bansa partikular na sa China.

Sa ngayon ay gumagawa na rin ng paraan ang DA upang mabawasan ang pag-i-import ng fresh cow’s milk mula sa ibang bansa.

Nais din ni Alcala na malagyan ng mga irrigation system ang lahat ng sakahan sa bansa bago ang 2016.

Samantala, ayon naman kay National Irrigation Administrator Antonio Nangel, tatlong milyong hektarya ng lupain ang target nilang malagyan ng patubig bago bumaba si PNoy.

Sa ngayon ay aabot sa 1.7 milyong hektarya ang nararating na ng irrigation system ngunit kulang pa rin ito ng mahigit sa isang milyon kaya puspusan ang kanilang ginagawang trabaho sa ngayon.

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

ALCALA

BAGO

BANSA

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATOR ANTONIO NANGEL

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

PINAKILOS

SAMANTALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with