Vic Sotto tatakbo sa 2013

MANILA, Philippines - Pinag-iisipan na ngayon ng veteran Eat Bulaga host na si Vic Sotto na pasukin ang mundo ng pulitika at tumakbo sa 2013.

Sinabi ni Sen. Tito Sotto, wala pang katiyakan kung anong posisyon ang tatakbuhin ni Vic Sotto sa darating na 2013 polls.

“Pinag-uusapan pa, kwentu-kwentuhan lang... discussing possibilities,” wika pa ni Sen. Sotto.

Aniya, pinag-aaralan pa ni Vic kung tatakbo ba ito sa national position o local position sa darating na May 2013 elections.

Umugong na planong tumakbo ni Vic bilang alkalde ng Quezon City pero mariing itinanggi ito ng veteran comedian dahil hindi umano siya residente ng QC kundi sa Pasig City.

Show comments